Filipino Club

Bisyon

“Unibersidad ng Mapúa bilang tagapagpatuloy sa dangal at kaunlaran ng Wikang Filipino.”

Misyon

Maitaguyod ang pagpapaunlad at paggamit ng Filipino sa pamamagitan ng mga makabuluhang aktibidad na makapagbibigay oportunidad sa bawat mag-aaral upang maipamalas ang mga natatanging talento. Talentong liliinangin at pagyayamanin bilang manipestasyon sa adhikain ng samahan.

Mandato

“Wikang Filipino, Wikang Mapagbago” ang isa sa mga dahilan sa pagkakatatag sa Samahan ng Filipino sa Unibersidad ng Mapúa. Ang samahan ay naglalayong maipagpatuloy ang kadakilaang taglay ng ipinamanang wika, ang wikang Filipino, sa pamamagitan ng pagpapalawig nito gamit ang mga talento sa literatura. Naniniwala ang samahan na ang mga salita ay isang sandata na dapat ay nililinang kung kaya’t gamit ang mga pantas-aral, gawain at workshops, lilinangin ang mga talento sa pagbigkas at pagsulat.